NAKAKAINIS yung KALBONG iyon!!!!
"Grrrr.... Hoy Kalbo!!! Nakakainis ka! Nag-load ka na pala, 'di mo ko kagad tinetext! Alam mo, yan ang razon kung bakit ako nagagalit kapag nagttxt ka na kapag akala kong wala kang load. AY!!! Onga pala! 'Di naman nga pala tayo, at sino nga naman ako sa buhay mo?? WALA.
HOY KALBO!!! Tulad ng sabi nung kaibigan ko, "'Wag kang mag-inarte dyan ha!" KAKAINIS KA!!!! GRRRR!! >=P
HOY KALBO!!! Bahala ka na nga! HMPH! Alam mo ba yung binili kong towel galing sa Bench para sa kaarawan mo, pinamigay ko na?? BWAHAHAHA!!! Akala mo ha... =P At LAHAT ng text mo sa 'kin simula nang magkakilala tayo ay binura ko na?? BWAHAHAHA!!!! ulet! (ok... aaminin ko, nasa computer AT flash disk ko pa sila, pero kahit na... 'di ko naman na makikita pa kapag binubuksan ko mga folders ko! BWAHAHAHA!!!!)
HOY KALBO!!! 'Di lang ikaw ang lalake dito sa Pilipinas ha! (siyempre, Pinoy LAANG ang gusto ko! Kaya WALA na akong pakialam sa mga leche at lintik na mga banyagang iyan! BWAHAHAHA!) AT isa pa, marami pa dyan'g iba na nagbibigay ng atensyon sa 'kin, na kapag nagpaload na, AKO kagad ang tinetxt (tulad ni Mark).
HOY KALBO!!! Umayos ka dyan ha... lagi kitang tinetext (nuong naga-unlimited pa 'ko at kahit ngayong hindi na!) at tinatawagan ha! >=P MAHAL ang load! At 'di iiral sa 'kin 'yang mga palusot mong "'E wala talaga akong load e...", "E deadspot sa kwarto 'ko e...". Hoy Kalbo! "Kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan"! Taga-DLSU ka nga at sa Starbucks ka tumatambay at sa The Peninsula ka kumakain, wala kang load?? Hoy Kalbo! 'Wag kang mag-inarte dyan ha!!!
HOY KALBO!!! Alam mo ba na APAT na ORAS kita inantay nuong Paskuhan?? Salamat talaga na naandoon si na Kesca at Monica ha... >=P NAKAKAINIS KA TALAGA!!! At NAKALIMUTAN mo pa "date" natin na kay tagal kong inintay, at natandaan mo lang nung pauwi ka na ulet ng Cavite galing Mandaluyong! Hoy Kalbo! Umayos ka dyan ha!!!
HOY KALBO!!! Kapag pinapasahan kita ng load, konte lang! Kase HINDING-HINDI ako papayag na maging "Sugar Honey" mo 'ko! BWAHAHAHA! Kaya kapag humihingi ka at wala akong load, P5 - P10 lang ang pinapasa ko sa 'yo! BWAHAHAHAHA! Ano akala mo sa 'kin, ungag?? BWAHAHAHAHA!!! Baka iba lang tinetext mo dun. HOY!!! Umayos ka dyan ha!
HOY KALBO!!! Kung may iba kang gusto, SABIHIN mo na sana! Hmmm... pero "feel" ko naman na may gusto ka din 'ata sa 'kin. YATA.
HOY KALBO!!! Baka akala mo ha... IKAW ang lagi kong gustong yakapin ha, kaya lagi ka dapat mabango, tulad nung APAT na oras kang late nung Paskuhan.
HOY KALBO!!! 'Wag mo kang napaka-romantiko na sinusubuan mo pa ko nung Ice Monster na binili ko para sa 'yo ha! (ok lang 'yun.. ako naman nag-imbita sa 'yo, kaya ako yung "host" at ikaw yung "guest", pero 'wag na 'wag kang aasang maging Sugar Honey mo ko ha!!) Ayokong tuluyang mahulug ang damdamin ko sa 'yo ha! TANDAAN MO YAN!
HOY KALBO!!! Gustong-gusto kita (pero 'di pa seguro "mahal"). PERO mas mahal 'ko pa din ang sarili ko! Kaya kapag naunahan ka ng iba sa panahon na malaman mong gusto mo din pala ako, pasensya ka na lang!!!!
Kase ... ... ... ... ... ... ... ... ...
Ikaw pa din ang pipiliin ko...
(shet! 'Di ko alam kung aling Smiley
ang gagamitin ko!!! Nakatawa ba or malungkot?? HAHA!)" Ang iyong nag-iisang:
"Batang Tampururot"